21

By

Botika para sa mga pulis, sundalo, inilunsad ng DOH

Sharing is caring!

Bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga pulis at sundalo, inilunsad ng Department of Health (DOH) ang Botika ng Bayani (BNBi).

Layunin ng nasabing botika na mabigyan ng libreng gamot ang mga pulis at sundalo na nalalantad sa mga mapanganib na sitwasyon.

“The DOH recognizes the service and heroism of our armed personnel in ensuring the security of our country. Hence, the Botika ng Bayani (BNBi) is hereby established that will provide quality essential medicines for our police and soldiers,” saad ni DOH Undersecretary Rolando Enrique Domingo.

Ang BNBi ay bahagi umano ng pinalakas na Botika ng Bayan Program ng DOH.

Malaki umano ang maitutulong ng programa para hindi na gumastos pa ang kanilang pamilya sa pagbili ng gamot.

Itatayo umano ang BNBi sa 22 health service unit sa buong bansa.

Makikita umano sa BNBi ang mga gamot na para sa mataas na presyon ng dugo, diabetes, at hypercholesterolemia, pati na pain-reliever at antibiotics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }