566

Dec 10, 2017 @ 16:09
By

Bote-boteng gasolina, mawawala na – DOE

Magiging madali na ang pagtatayo ng mga gasolinahan maging sa mga malalayong lugar sa bansa.

Ito ang ipinangako ni Energy Sec. Alfonso Cusi kayat aniya malapit nang mawala ang mga nagtitinda ng mga tinakal na gasoline, krudo at iba pang produktong petrolyo sa mga bote ng softdrinks.

Aniya, may mga bagong polisiya na ang kanilang Oil Industry Management Bureau hinggil sa pagpapatayo ng mga gasolinahan.

Sinani nito na sa mga naturang bagong polisiya ay mas mabibigyan proteksyon ang mga konsyumer dahil kailangan na taasan ang kalidad ng mga serbisyo na ibinibigay ng mga nagnenegosyo ng mga produktong petrolyo.

Sinabi nito na lubhang napakadelikado nang pagbebenta ng gasolina, langis at krudo sa mga bote.

“We are also open to the various technology-options that are being introduced in the market to address the proliferation of liquid fuels in soda bottles or ‘bote bote,” ani Cusi.

Tiniyak nito na matutugunan na ang pangangailan maging ng mga tricycle drivers sa mga kanayunan ng mga bagong ipatutupad na polisiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?