2
lebronjames
By

Boston hanap solusyon upang pigilan si LeBron

Sharing is caring!

Ibang LeBron James ang hinarap ng Boston Celtics sa Cleveland, malayo sa player na ibinaon nila 2-0 sa Eastern Conference finals.

Nagwala si James sa sariling teritoryo para ibuhol ang series sa tigalawang laro. Paalala iyon sa mga kalaban na pitong sunod na siyang bumibiyahe sa NBA Finals.

Balik ang series sa Boston, umaasa ang Celtics na gagana muli ang angas nila sa TD Garden sa Game 5 ngayon.

May LeBron ang Cavaliers, maaasahan din sina veterans Kevin Love at Kyle Korver.

Nangungulila sa go-to guy ang Celtics. Wala silang Kyrie Irving at Gordon Hayward na iginupo ng injuries.

“Make it as hard as you can,” tanging nasabi ni Boston coach Brad Stevens kung paano pipigilan si James.

Pahirapan nang husto.

“LeBron is the best player of this generation and he’s just maintained that because of his commitment to improvement,” dagdag niya.

Sa sariling teritoryo ay 9-0 sa playoffs ang Celtics. Pero 1-6 na sila sa road games at sa huling 98 minutes ay na-outscore ng 39 points.

Kung beterano sa playoffs si James at mga sidekick sa Cavs, postseason first-timers ang mga starter ng Celtics na sina Terry Rozier, Jaylen Brown at rookie Jayson Tatum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?