14

Nov 18, 2020 @ 19:39
By

Bossing Vic napa-wow kay Delos Santos

Hindi lang sa karate mahusay ang World Number 1 na si James Delos Santos, mayroon din itong talento sa pagkanta.

Panauhin si Delos Santos sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga kung saan nagpasikat ito sa pagkanta.

Bumanat ito ng isang country song na nagpahanga kay Vic Sotto na humirit pa na unang beses daw niyang nakakita ng isang karatista na cowboy.

Mala-Kenny Roggers ang timbre ng boses ng Pinoy karateka na nasubok ang pagiging judgmental sa Eat Bulaga. (Sarah Jireh Asido)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?