26

Feb 26, 2021 @ 18:43
By

Bossing: OK lang mag-artista si Baby Tali!

Suportado ni Bossing Vic Sotto ang kanyang anak na si Baby Tali kung sakaling maisipan nitong pumasok sa showbiz.

“Di mo mapipigilan ‘yun. Ganun naman ako sa mga anak ko e, kung ano gusto n’yo basta makakabuti para sa inyo, then 100% support,” anang TV host sa panayam ng Tunay Na Buhay.

Hirit pa ni Bossing, kailangan siya umano ang maging manager ng kanyang anak.

https://www.instagram.com/p/CLLJCuJJMke/?igshid=kamk76asism1

https://www.instagram.com/p/CLQg2QYJGYI/?igshid=18awcp3qt3ai4

Sa kabilang banda, sinabi ni Pauleen Luna na siya umano ang ‘bad cop’ sa kanila ni Sotto.

https://www.instagram.com/p/CKvK3ekpZHl/?igshid=o09e44x0zs20

Aniya, mahilig kasing mang-spoil ng bata ang kanyang mister.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?