90

Sep 18, 2021 @ 17:42
By

Bossing na nalugi: Blackwater lugmok sa 19 sunod na olats

Kasaysayan para sa Blackwater Bossing – kasaysayang nakakahiya.

Lumaban ngunit muling kinapos ang Blackwater laban sa Meralco Bolts ngayong Sabado, 104-97, para tapusin ang 2021 PBA Philippine Cup na walang panalo at itala ang ika-19 sunod na kabiguan kasama ang nakaraang season.

Ibinaba ng Bossing ang 29 puntos na lamang sa lima, 100-95, may 1:49 na lamang sa laro ngunit sinaraduhan sila ng pinto ng tres ni Anjo Caram.

Ang 19 sunod-sunod na talo ng Bossing ang pinakamahaba sa kasaysayan ng PBA.

Pinangunahan ni Allein Maliksi ang Bolts sa kanyang 21 points at 10 rebounds, sakto sa kanyang ika-34 kaarawan.

Sinuportahan pa siya ng halimaw na 15 points at 17 rebounds ni Raymond Almazan.

Sinubukan nina KG Canaleta, Mike Tolomia at Richard Escoto na isalba ang Bossing sa kanilang tig-15 points ngunit ‘di sapat ang kanilang pagsisikap.

Umangat naman ang Meralco sa 7-2 kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?