58

Dec 19, 2017 @ 15:16
By

Bossing gulat na gulat sa nagawa niya sa MTB

Walang bagot factor na naramdaman si Pauleen Luna-Sotto nang panoorin ang hindi pa final edit version ng festival entry ng asawang si Vic Sotto, ang Meant To Beh. Aliw na aliw si Poleng na hindi namalayan na tatlong oras ‘yung version ng movie na napanood.

“Hindi niya napansin na mahaba. Pero commercially, mahaba. The director was able to trim it down for two hours. Sa mga usual na ginagawa ko, mahaba pa rin ito. Kailangan kasi ‘yung pagkakalatag ng istorya ni Direk Chris Martinez na hindi dapat malayo roon.

“Katakut-takot na trim para mapaganda ‘yung main picture. Napaganda kasi bumilis na pero ‘yung importanteng element nandoon pa rin. Hindi mo mapapansin na two hours,” saad ni Vic.
Maging si Bossing ay nakaramdam ng pagkakaiba sa ginawang entry.

“May gulat factor. Hindi naman experimental pero kakaiba ang dating.

“Nakasentro kasi ito sa pamilya na matagal ko nang hindi nagagawa. Kahit ‘yung sa Okay a Fairy Ko, Enteng Kabisote, sa family rin ‘yon pero after a while, na-divert nang na-divert ang istorya. Nasentro sa action-fantasy. Heto, back to basics,” pahayag ni Vic sa pocket presscon ng festival movie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?