150

Dec 13, 2017 @ 17:00
By

BosLeng mahal na mahal ang AiRald

Sa The Blue Leaf sa McKinley, Taguig City ang venue ng wedding reception nina Ai Ai at Gerald. May mga invited guest na hindi nakarating sa simbahan pero dumating sa wedding reception.

Nakita namin ang pagmamahal kay Ai Ai ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto na parehong pinuntahan ang wedding ceremony at wedding reception.

Puwedeng-puwede na humabol si Vic sa live telecast ng ‘Eat Bulaga’ noong Martes pero pinili nila ni Pauleen sa dumalo sa wedding reception. Sina Vic at Pauleen ang candle sponsors sa Delas Alas-Sibayan Nuptials at kabilang sila sa mga kauna-unahan na dumating sa Blue Leaf McKinley.

Four hundred ang bilang ng invited guests sa wedding reception at dahil sa inaasahan na matagal na pagdating ng mga bagong kasal, may cocktails na inihanda ang Juan Carlo Wedding and Corporate Catering Services.

Sa cocktails pa lang, nabusog na ang mga bisita sa mga pica-pica food na inihain ng Juan Carlo. Barrio fiesta ang theme ng wedding reception kaya umapaw ang drinks at pagkain.

May dalawang stage sa magical set up ng wedding reception, isa para sa mga performer at isa para kina Ai Ai at Gerald. (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?