16

Oct 26, 2020 @ 15:59
By

Bosh nagparinig kay Giannis: Walang future sa Bucks!

Kung si dating Miami Heat star Chris Bosh ang tatanungin, mahihirapan magkampeon si Giannis Antetokounmpo kung mananatili ito sa Milwaukee Bucks.

Sa panayam ng Complex kay Bosh, naitanong dito kung anong reaksyon niya sa posibilidad na masungkit ng Heat ang back-to-back reigning NBA MVP.

Aniya, magiging maganda para sa Florida-based squad kung makuha si Bosh, ngunit tingin din niya’y mas uusbong ang career ni ‘Greek Freak’ kung lilisanin niya ang Milwaukee.

“It’s tough, man. I mean, they’ve had a crack at it. They were right there. They’ll have another opportunity next year. But that’d be devastating and painful for him in the city, if they don’t even at least make it to the Finals,” saad ni Bosh sa Bucks stint ni Antetokounmpo.

Dagdag ni Bosh, wala aniyang NBA star na gustong pumunta sa Milwaukee kaya’t mahihirapan na makahanap ng makakatulong kay Giannis para makatungtong sa Finals.

“Let’s be frank. I mean, I don’t really see a big time free agent, saying, ‘I’m going to Milwaukee’. Um, and that’s what makes it so tough sometimes. And they’ve done it the right way they’ve built around him,” giit ni Bosh.

Sa 2021 magiging free agent si Antetokounmpo, kung saan inaasahang isa ang Miami sa mga susubukang ligawan ang superstar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?