17

Aug 23, 2020 @ 16:01
By

Boses nilait, Ellen Adarna tinarayan ang basher

Hindi pinalampas ng dating sexy actress na si Ellen Adarna ang isang netizen na pinuna ang kanyang pagkanta.

Sinabi ng isang basher na tila ‘lasheng’ si Ellen habang inaawit ang ‘Yellow’ ng Coldplay habang tumutugtog ng piano.

“Goshhhh wala naman ako naintindihan sa kinanta mo! Parang lashing ang peg,” saad ng basher.

Dito na tila nainis si Ellen at binuweltahan ang netizen.

“So who’s problem is it kung wala kang na comprehend?” pagtataray ni Ellen. “Don’t worry dai, the universe will adjust itself for you so you will be able to understand everything that is confusing you.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?