6

Jan 18, 2021 @ 16:56
By

Borongan City nilagay sa MECQ

Sinailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang siyudad ng Borongan sa Eastern Samar upang maampat ang pagkalat ng coronavirus disease sa lugar.

Dalawang linggong nakasailalim sa MECQ ang Borongan simula Jan. 18.

Sa pinirmahang Executive Order No. 001-0121 ni Mayor Jose Ivan Agda, ipinagbabawal ang lahat ng uri ng mass gathering.

Ipinatupad din ang liquor ban habang epektibo ang curfew hours na 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw.

Limitado rin ang labas ng bahay ng mga residente sa pagbili lamang ng mga essential goods at services.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?