6

By

Bornea pagugulungin si Jaro

Sharing is caring!

Kabilang ang upakang Jade Bornea at Sonny Boy Jaro sa undercard fight ng bakbakang Randy Petalcorin at Felix Alvarado sa darating na Oktubre 29 sa Solaire Resort and Casino.

Hawak ngayon ni Bornea (12-0, 8 KOs) ang International Boxing Federation (IBF) at World Boxing Organization (WBO) Youth Super Flyweight belt at dati namang word champion si Jaro (44-14, 31 KOs).

Para kay Sanman CEO Jim Manangquil, kumpiyansa sila na kakayanin na harapin ni Bornea si Jaro dahil na rin sa kakayahan at disiplina nito.

“We have been building up the boxing career of Jade. Sonny Boy is a former world champion and should not be taken lightly. But we have full confidence that Jade’s skill and discipline will bring him another notable win and prepare him for a bigger fight probably a world title fight,” wika ni Manangquil.

Hindi naman itinanggi ni Bornea na isang magaling at nakakatakot na boksingero si Jaro at marami rin aniya itong pinatulog na kalaban pero naniniwala siya na ngayon ang panahon niya.

“I have been killing myself in training to make sure I improve my record and my ranking by winning this fight. I promise to entertain come October 29,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?