86

Oct 25, 2017 @ 14:08

Borlain Sisters nanalasa sa Vigan

VIGAN, Ilocos Sur — Pangkaraniwan nang nababalita ang madalasang pamamakyaw ng tatlong mag-uutol na Borlain — Samanta Ong, Tara Ong at Francheszka Ong — sa kahit saang lahukan nilang mga palaro, mapa-triathlon, duathlon, aquathlon, running, swimming o cycling.

Kahapon nanalasa ang dalawa sa 11th Batang Pinoy 2017 Luzon Games ng Philippine Sports Commission sa Pres. Elpidio Quirino Sports Complex sa The Heritage City na ito.

Bitbit ang Pasig, itinakbo ni Tara, 14, at St. Paul College-Pasig grade 9, ang gold sa girls 3,000-meter run sa clocking na 10 minutes, 58.84 seconds sa 18 finishers mula sa 31 starters. Silver-bronze sina Magvrylle Chrause Matchnio ng Laguna (11:28.40) at Lheslie de Lima ng Camarines Sur (11:28.74).

“I’m very happy to win my first gold on my first participation in Batang Pinoy,” anang listang bata na pangalawa sa mga supling ng champion triathlon parents, pagkatawid ng meta sa track oval. “And I don’t do this without my family.”

Sa katabing swimming pool, nagkasya sa silver ang ate niyang si Samantha, 15, sa girls 13-15 100-m freestyle, nasingitan ng .32 seconds sa gold ni Alhea Michel Baluyot ng Quezon City (1:03.59). Kay Sophia Manantan ng Puerto Princesa (1:08.41) ang bronze.

Nasa crowd ang ama ng magkapatid na Borlain na si Ringo, parating pa lang ang ina nila at si Francheszka mamaya para i-cheer ang kanilang dalawang supling sa usunod pang events.(Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?