29

Jul 19, 2021 @ 16:37
By

Border ng 3 lalawigan sa Mindanao paigtingin – Eleazar

Inatasan na ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar nitong Lunes ang pwersa ng kapulisan sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi na paigtingin ang pagbabantay sa posibilidad na makapasok via backdoor entry ang mga indibidwal na may Delta variant ng COVID.

Ayon kay Eleazar, noong Linggo ay personal niyang binisita ang naturang mga probinsya upang inspeksyunin ang kanilang seguridad sa mga papasok na indibidwal.

Ang pagbabantay sa mga lugar na ito ay kaugnay na rin ng napabalitang pagkalat ng Delta variant sa Indonesia.

Kasabay nito, inatasan din niya ang kapulisan na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at sa Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard upang mabantayan nang maayos ang mga parte ng bansa na maaaring pasukin ng mga indibidwal na may COVID.

Dahil na rin sa pagsirit ng COVID cases sa Indonesia ay nakataas ang travel ban ng Pilipinas mula sa mga biyahero mula doon hanggang Hulyo 31.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?