131

Jul 31, 2021 @ 21:15
By

Border checkpoint ilalagay muli sa NCR Plus – DILG

Isang linggo bago ang implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR ay maglalagay na ng mga border control ang PNP sa paligid ng NCR Plus simula Linggo ng madaling araw.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ito raw ay para masiguro na ang mga papasok ng NCR Plus ay mga authorized persons outside of residence (APOR) lamang.

Ang mga indibidwal na papasok ng NCR Plus at dadaan sa mga border control ay dapat magpakita ng kanilang mga ID.

Samantala, ang mga cargo vehicle naman, lalo na ang mga may dalang pagkain, ay papayagan pa ring makabiyahe.

“We have instructed all QCPs to allow the unimpeded movement of cargo trucks and delivery vehicles across all our checkpoints,” wika ni Año.

“The implementation of strict border controls in the NCR+ areas is critical to stopping the spread of the Delta variant,” dagdag pa ng kalihim.

Ang NCR Plus ay binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?