74

Mar 26, 2018 @ 10:23
By

Boracay shutdown, malaking dagok sa turismo – Villanueva

Umaawat si Senador Joel Villanueva sa planong pagsasara ng Boracay Island para sa sinasabing rehabilitasyon ng isla.

Mariing sinabi ng senador na hindi praktikal na solusyon ang shutdown ng Boracay at maaring hindi na mabawi pa ang magiging dagok nito sa turismo at economic activities sa isla.

May mga eksperto naman umanong nagsasabi na maaring linisin at isaaayos ang Boracay kahit hndi iyon ipinasasara.

Kahit walang shutdown, maipasasara naman umano ng DILG at DENR ang mga lumalabag sa environmental laws gaya ng Ecological Solid Waste Management Act, Clean Water Act at Clean Air Act.

Mauutusan din ng gobyerno ang mga negosyante at residente sa isla na maglinis at iayon na sa batas ang kanilang mga istruktura.

Nanghihinayang ang senador dahil batay sa datos ng Department of Tourism, nung nakaraang taon ay umabot sa dalawang milyon ang mga nagturista sa isla at nalikha roon ang halos 18,000 trabaho, ang pinakamalaking bilang ng trabahong nalikha sa Western Visayas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?