17
live
By

Boracay, Marawi rehab pinatututukan ng live streaming

Sharing is caring!

Iminungkahi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na bantayan sa pamamagitan ng live streaming ang rehabilitasyon ng Boracay Island at ng Marawi City.

Sa pamamagitan nito, maaaring mabantayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usad ng mga proyekto habang nasa kaniyang opisina sa Malacañang at puwede ring mai-monitor nasaan man ang Pangulo.

Makakatuwang din ang taumbayan sa pagbabantay ng mga proyekto.

Bilyon-bilyong piso ang ibubuhos ng gobyerno sa dalawang proyekto kaya dapat lang aniyang mabantayang maigi ang rehabilitasyon kung saan kabilang ang itinuturing na big ticket infrastructure projects.

Ipinagagamit ni Recto sa Marawi at Boracay ang Project Dime o Digital Imaging for Monitoring and Evaluation ng Department of Budget and Management at Department of Science and Technology.

Gagamit dito ng mga drone, satellite imaging at mga bagong teknolohiya para mabantayan ang mga infrastructure project upang makasiguro na ang mga ito na “on time, on budget” at naaayon sa specifications ng proyekto.

Bukod sa live streaming, puwede rin umanong gumawa ng time-lapse videos para makita kung makupad o tamad ang kontratista o kung sumusunod sila sa kontrata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?