By

Boracay inter-agency task force, binuo ni Duterte

Sharing is caring!

Para matiyak ang maayos na rehabilitasyon ng Boracay island, binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang inter-agency task force na mangangasiwa sa maayos na paglilinis sa isla.

Sa ipinalabas na Executive Order #53 ng Malacañang, ang Boracay Inter-Agency Task Force ay pamumunuan ng kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at vice-chairpersons naman ang kalihim ng DILG at Department of Tourism.

Kabilang sa mga pangunahing trabaho ng task force ay tiyaking naaayon sa batas ang mga polisiya sa rehabilitasyon at i-review ang master plankasama na ang koordinasyon sa mga stakeholders para sa mas maayos na tourism development.

Kasama sa tungkulin ng task force ay makipag-ugnayan sa mga kinaukulang ahensiya at local government units para sa mas mabilis na pagbawi ng permits o lisensiya ng mga establisimentong lumabag sa environmental laws.

“Among the task force’s functions are to ensure that policies on Boracay are consistent with relevant laws, rules and regulations, review and consolidate existing master plans, and formulate, in coordination with stakeholders, an action plan towards sustainable tourism development.

The order also said the task force must coordinate with concerned agencies and local government units the “immediate withholding or revocation of permits or licenses” issued to business that violate environmental laws and local ordinances and “perform other tasks that the President may direct,” ayon sa EO.

Hindi rin paliligtasin ng task force ang pagpanagot sa mga indibidwal na mapapatunayang responsable sa pagkasalaula ng Boracay at pagbabayarin ang mga ito sa pinsalang idinulot ng kanilang kapabayaan.

Nasa ikalawang linggo na ngayon ang pagsasara ng Boracay island na nagsimula noong April 26, at walang pinapayagang mga turista na tumuntong sa lugar hanggat hindi natatapoa ang anim na buwang rehabilitasyon nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?