30

Jun 3, 2021 @ 16:50
By

Boracay handa sa mga NCR Plus turista

Tumatanggap na ulit ng mga turista mula NCR Plus area ang isla ng Boracay.

Ito’y base sa Resolution 118A ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF), kung saan pinapayagan na ang mga residente mula general community quarantine (GCQ) at modified GCQ na bumisita sa tourist spot.

Ayon kay Malay Tourism Office head Felix Gregorio delos Santos, hindi nagbago ang kanilang protocol na pinatutupad para sa mga turista.

Ang nadagdag lang ay kailangan nang gumamit ang mga biyahero ng S-PaSS (Safe, Swift and Smart Passage) online app.

“Still we require the negative RT-PCR, booking in DOT-accredited hotel establishments, QR code, valid ID, itinerary, and flight details,” ayon kay delos Santos.

Nagalak din ang Malay Tourism Office dahil nahirapang makabangon ang turismo ng Aklan nang ipagbawal ang mga residente ng NCR sa isla.

“We hope that they could add to our tourist arrivals; we will know that hopefully by next week,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,