102
ABANTE nancy binay soldiers free sine
Jun 24, 2018 @ 14:57
By

Boracay czar kailangan na – Nancy Binay

Hinimok ni Senadora Nancy Binay ang Malacañang na magtalaga na ng Boracay czar o isang mangangasiwa sa rehabilitasyon ng Boracay Island.

Kasunod ito ng pagdinig sa Senado kung saan natukoy na kanya-kanyang diskarte at nagsasalungat pa ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na nagpapatupad ng rehabilitation projects sa isla.

Ayon kay Binay, hindi sapat ang pamumuno si Environment Secretary Roy Cimatu sa Task Force Boracay dahil wala rito ang sapat na kapangyarihan para mapangunahan ang buong rehabilitation efforts.

Tinukoy na binubuo ng maraming ahensya ang Task force Boracay at kani-kaniya pa rin umanong kilos ang mga ito.

“Sino yung on-top of Sino yung on top of everything? We have Sec. Cimatu who is in charge of Task Force Boracay pero inter-agency council lang ito. Sino ba ang may final say sa mga bagay-bagay?” tanong ni Binay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?