7

Jul 23, 2020 @ 21:58
By

Boracay bukas na sa mga Western Visayas tourist

Inanunsyo ng Department of Tourism (DOT) na bukas na sa mga turistang mula sa Western Visayas Region ang isla ng Boracay.

Ayon sa Tourism department, maaaring bumisita sa Boracay ang mga Western Visayas traveler na edad 21 hanggang 60.

Siniguro ni Tourism chief Bernadette Romulo-Puyat ang suporta ng gobyerno na maimplementa ang mga health at safety protocol sa mga darating na lokal na bisita.

Sa ngayon aniya ay walang naiulat na kaso ng coronavirus sa isla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?