51

Jun 14, 2020 @ 21:53

Boracay bukas lang sa mga turista mula Western Visayas

Nilinaw ng Inter-Agency Task Force na magbubukas lang ang isla ng Boracay sa June 16 para sa mga mga turista mula sa Aklan, Iloilo, Iloilo City, Bacolod City, Negros Occidental, Antique, Capiz, at Guimaras.

“Gradual muna. Then after that, kung maganda ang sitwasyon, they could start opening to local tourists from around the country,” ayon kay Natividad Bernardino, Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group general manager.

Magiging dry run din umano ito para sa new normal na susundin sa Boracay. Susundin pa rin ang mga health protocol na mungkahi ng Department of Health tulad ng pagsusuot ng face mask, sanitation, at 50 percent capacity sa mga hotel at restaurant. (Prince Golez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?