By

Bora project ng mga Villar, itinigil

Sharing is caring!

Dahil naging kontrobersiyal, inihinto muna ang condominium project sa Boracay ng Costa Vista, kumpanya kung saan may sosyo ang Vista Land and Landscapes, Inc., na kumpanya ng mag-asawang Senadora Cynthia Villar at dating Senate President Manny Villar.

“I would like to reiterate and stress that all developments in our Boracay investment have long stopped,” pahayag ng senadora.

Ayon pa rito, bilang serbisyo publiko at chairman ng Senate committee on environment, pursigido siya na protektahan ang kalikasan at buo ang suporta sa rehabilitasyon ng Boracay.

“My duty to our nation is primary and is above and separate from my family’s business interests,” diin nito.

Kumalat ang video at litrato ng umano’y pagpuputol ng puno at paghuhukay ng lupa sa magubat na bahagi ng Boracay Island.

Diumano ay pinapatag ang isang bulubunduking bahagi ng Boracay para sa itatayong condominium samantalang pinababawasan na ang mga istruktura roon dahil siksikan at marumi na ang isla.

Itinanggi ng abogado ng Vista Land na bahagi ng kanilang proyekto ang nakunan ng litrato.

“Significantly, the images appearing in the articles do not pertain to our project site. The area subject of our development is a developed resort with existing facilities,” pahayag ni Ma. Nalen Rosero, legal counsel ng Vista Land.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?