By

‘Bora land’ hindi agad-agad mabebenta – DAR exec

Sharing is caring!

Posible pero hindi agad-agad.

Ito ang sinabi ni Department of Agrarian Reform Usec. David Erro kaugnay sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na payag siyang ibenta ng mga residete ng Boracay ang lupa na ibibigay sa kanila.

Ayon pa kay Erro kailangan maghintay ng pinakambabang isang dekada o 10 taon ang mga magiging benepisaryo bago nila maipagbibili ang kanilang lupa.

Dagdag paglilinaw pa ng opisyal ang mga lupa ay ibibigay lang sa mga kuwalipikadong benepisaryo.

Sinabi din ni Erro na ang pagbebenta ng lupa ay may mga proseso pa na kailangan sundin ng may ari.

Una nang inihayag ng Punong Ehekutibo na papayagan niya na ibenta ng mga benepisaryo ang ibibigay sa kanilang lupa sa mga malalaking negosyante para naman sila ay magkaroon ng malaking halaga ng pera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?