23

Nov 20, 2021 @ 14:32
By

Booster shot sa mga OFW larga na

Inaprubahan ng IATF ang booster shot para sa mga OFW na paalis na abroad.

“IATF already decided to provide boosters to our OFWs and seafarers who are about to be deployed within 4 months,” saad ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Ani Galvez, hiniling ng IATF sa Food and Drug Administration na isingit ang mga migrant worker sa prayoridad sa booster shot.

Sa ngayon ay una sa booster shot ang mga health worker, senior citizen at may comorbidity.

Posible naman aniyang mapasama ang mga nasa A4 (essential workers), A5 (mahihirap) at General Population category sa Disyembre o sa susunod na taon kapag umabot na sa mahigit 50% ang naturukan ng ikalawang dose.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,