29

Sep 14, 2021 @ 15:42
By

Booster shot sa health worker tinulak ni Cayetano

Naghain ng resolusyon si dating Speaker Alan Peter Cayetano at kanyang mga kaalyado upang itulak ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa mga health care worker (HCW) at immunocompromised individuals.

Sa inihaing House Joint Resolution 40, nanawagan ang mga mambabatas sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na gayahin ang ibang bansa na nagbibigay na ngayon ng booster shot.

“Whereas, while we have vaccinated just a fraction of our population because of the inadequate supply of vaccines, protection of the frontline health workers and the immunocompromised is a moral imperative and a practical necessity to prevent the collapse of our healthcare system,” saad sa resolusyon.

Batay sa datos ng World Health Organization, 23,611 HCW sa Pilipinas ang nagpositibo sa COVID-19 hanggang noong katapusan ng Agosto.

Lumalabas din umano sa mga pag-aaral na bumababa ang bilang ng antibodies na nalilikha ng indibidwal na nabakunahan ng Sinovac anim na buwan matapos ang ikalawang dose at ang mapatataas ito sa pamamagitan ng third o booster shot.

“It is vital to protect our healthcare workers, so that they may, in turn, take care of COVID-19 and non-COVID-19 patients. With hundreds of hospitals in the country nearing full capacity and our healthcare workers having to attend to more patients and extending working hours as a result of recent rise in positive cases, we cannot afford a further shortage of our health manpower as a result of our healthcare workers being infected with the virus,” sabi pa sa resolusyon.

Kasama ni Cayetano bilang may-akda ng panukala sina Taguig Rep. Maria Laarni Cayetano, Anakalusugan party-list Rep. Michael Defensor, Laguna Rep. Dan Fernandez, Batangas Rep. Raneo Abu, at Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?