40

Oct 12, 2021 @ 15:19
By

Booster shot sa frontliners, seniors ilarga na – solon

Nanawagan si Deputy Speaker at Manila Rep. Bienvenido Abante sa gobyerno na simulan na ang pagbibigay ng booster shot sa mga medical frontliner at senior citizens.

Ginawa ni Abante ang panawagan matapos sabihin ni National Task Force (NTF) against COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez na mahigit 36 milyong dose ng COVID-19 ang nasa mga storage facility.

Sinabi ni Abante na dapat ay hindi masayang ang mga bakunang ito at magamit upang proteksyunan ang bulnerableng sektor.

“At the same time, as we see with the numerous breakthrough COVID-19 cases––infections of fully vaccinated individuals, especially among doctors, nurses, and frontliners––there is a real need to provide additional protection for those who are constantly exposed to the virus,” dagdag pa ng solon.

Ipinunto ni Abante na dapat bigyan din ng booster shot ang mga senior citizen na delikado sa komplikasyong maidudulot ng COVID-19.

“While the government is still finding ways to improve the roll out of vaccines and to address vaccine hesitancy, they should use the vaccines they have on hand for those who need them––and want them,” wika pa ni Abante.

Dapat din umanong bantayan ang expiration date ng mga bakunang naka-imbak para hindi masayang ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?