31

Nov 22, 2021 @ 8:20
By

Booster shot para sa A2, A3 larga ngayong Lunes

Lalarga ngayong Lunes ang pagtuturok ng booster shot para sa mga senior citizen at sa mga may comorbidity.

Ang mga senior citizen ay parte ng A2 priority group habang ang mga may comorbidity o immunocompromised ang bumubuo sa A3 group.

“Implementation of the administration for booster doses will be in Phases. Phase 1 will cover all A2 and A3 – immunocompromised individuals. Phase 2 is for the remaining A3 population,” saad ng DOH.

Ang mga aprub na magpaturok ng booster shot ay yaong mga anim na buwan o higit pa mula nang makumpleto ang dalawang dose ng COVID vaccine.

Ngunit kung ang itinurok sa unang bakuna ay ang brand na Janssen, maaari nang magpaturok ng booster shot kapag tatlong buwan nang nabakunahan.

Maaari ring mamili ng brand ng booster shot ngunit ang papayagan lamang ay ang pasok sa heterologous booster na inaprubahan ng mga awtoridad. (mjd)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?