69

Aug 22, 2019 @ 13:20
By

Booker nabanas, napamura sa double team, Young kumampi

Tila nainis si Phoenix Suns star Devin Booker matapos siyang i-double team sa isang pickup game kasama ang ilang kapwa NBA player.

Sa video na kumalat sa social media, inutos ni Joakim Noah sa kakamping si Tony Snell na depensahan din si Booker.

Ngunit hindi ito nagustuhan ng shooting guard.

“Hey bro, we not doubling in open gym. I get that shit all season. Come on, man. Let’s work on our game,” saad ni Booker.


Sa Twitter ni Atlanta Hawks sophomore Trae Young ay kinampihan nito si Booker, sinabi na wala dapat talagang pag-double team sa pickup games.

“DBook speaking facts… There should be NO Double Teaming in pick up? When you trying to work on your game, and work on the moves and things you do individually in pick up… it’s annoying getting double teamed in that type of setting,” pagsang-ayon ni Young.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?