48

Feb 7, 2020 @ 10:59
By

Booker isusunod? Russell, Anthony-Towns magkakampi na sa T’Wolves

Ang dating biro lang, posible nang matuloy sa poder ng Minnesota Timberwolves.

Sa panayam dati sa Slam ay nagsama-sama ang magtotropang sina Karl Anthony-Towns, D’Angelo Russell at Devin Booker.

Sa interview, nasabi ni Russell na muli nilang ulit gagawin ang interview sa oras na iisang jersey na ang suot nilang tatlo.

Ngayon ay isa na lang ang kulang at kumpleto na ang trio.

Sa pagtatapos ng trade deadline ay humabol ang Timberwolves at Golden State Warriors.

Ayon sa report ni ESPN insider Adrian Wojnarowski, ililipat ng GSW si Russell kapalit si Andrew Wiggins.

Bukod pa rito, makakakuha pa ang Warriors ng 2021 protected first-round draft pick at 2022 second-round selection.

Samantalang sasalang naman para sa T’Wolves sina Omari Spellman at Jacob Evans.

Ang pinakamalaking isda rito ay si Russell, isang established star na nakasalang na sa All-Star game, at sa pagkawala ni Steph Curry at Klay Thompson sa Dubs ay binuhat ang koponan sa scoring sa career-high 23.6 points kada laro at 6.2 assists.

Hindi naman nalalayo si Wiggins, na may averages na 22.4 points, 5.2 rebounds at 3.7 assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?