36

Nov 23, 2021 @ 18:35
By

Book series tungkol sa siyensya inilabas ng DOST

Bilang parte ng layuning matuto ang bawat mamamayang Pilipino ng siyensya, inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) ngayong Martes ang book series na pinamagatang “Science for the People (SFTP).”

Ang book series ay binubuo ng limang aklat: “Science for Human Capital,” “Science for Cooperation,” “Science for Innovation,” “Science for Change,” at “Science for Communities.”

Ayon sa DOST, nakabase sa mga resulta ng pag-aaral ng mga experto, inhinyero, at mananaliksik ang nakasaad sa mga aklat.

“In communicating our work, we are often asked to create a narrative to tell a story, a story of our journey in discovery. And this SFTP book series is a testament to the dedicated work that has been done with each step taken, leading to the road where science meets and serves the people,” pahayag ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña.

“I hope that through these experiences, the lessons of small triumphs will serve as a foundation of future successes that will benefit our succeeding generations who will live, and love our country. Ito po ay aming handog sa ating bansa,” dugtong pa niya.

Libre lang umano ang kopya ng mga libro sa opisyal na website ng DOST.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?