1,362

Dec 12, 2017 @ 18:03
By

Boobs ni Pia Wurtzbach, aalog-alog sa bakbakan

Punong-puno ang schedule nina Vice Ganda at Pia Wurtzbach these days for the promo ng movie nila sa Metro Manila Film Festival, ang ‘Gandarrapiddo: The Revenger Squad’, kasama si Daniel Padilla.

Si Vice, mula ‘It’s Showtime’ last Saturday ay lumarga pa-Enchanted Kingdom sa kabila ng malalang traffic. At ganu’n din sina Pia at Daniel, kasama pa si Loisa Andalio para sa kanilang grand presscon.

Sumakay ng rides sina Vice, Pia at DJ, partikular ang Space Shuttle kung saan pagbaba nila ay naging big hair ang buhok ng 2015 Miss Universe. Sabi nga ni Vice, tulala at nahilo si Pia pagbaba nila.

Kalmado lang namang bumaba ng ride si Daniel na parang walang naramdamang takot. Si Vice ay na-haggard naman at parang lumuwag daw ang kapit ng kanyang wigalu (hair), kaya naghahanap ito ng hair pin pagbaba.

Waley na raw siyang pakialam habang nakasakay sa ride basta ang mahalaga ay kapit-kapit niya ang buhok niya. Kaloka!

Anyway, sigurado raw na marami ang makakapansin sa boobs ni Pia sa movie nila. Aalog-alog nga raw ito sa fight scenes ng dalaga, at sure ako na tututukan ‘yon ng boys. (France Simeon)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?