Unang napansin ng mga netizen sa litratong in-upload ng singer-actress na si Kim Molina kamakailan ang kanyang cleavage.
Marami man ang pumuri sa alindog ng aktres, hindi pa rin nakaligtas sa mapanghusgang mata ito ng mga basher.
Kesyo magka-galit daw ang boobs ng aktres, o edited, o di kaya’y gawa umano ang boobs nito kaya ganoon ang hitsura.
Hindi naman pinalampas ng aktres ang mga pumupuna sa kanyang body figure, agad itong umalma sa Twitter at pinatamaan ang lahat ng pumuna sa boobs niya.
“Daming hanash sa photo kong unedited.. problema niyo sa boobs kong hiwalay? Eh social distancing nga di ba? In all shape or form, WE ARE JOWABLE. Sending good vibes to all #BodyPositivity,” giit ni Kim.


