805

By

Boobs ni Jasmine Curtis-Smith muntik mag-hello sa kasal nina Anne-Erwan

Sharing is caring!

SOBRANG ingat na ingat si Jasmine Curtis-Smith sa pagkilos niya nung kasal ng ate Anne Curtis niya kay Erwan Heussaff sa New Zealand. Eh kasi naman, sobrang backless, na halos buong likod ng dalaga, lantad na lantad.

Sa video ni Tim Yap, habang kinukunan at pinupuri niya ang pagkaganda-ganda at pagkaseksi-seksing si Jasmine, na bridesmaid nga ng Ate Anne niya, nag-dialogue ito na hirap na hirap siyang kumilos, lumuhod, at alalayan talaga si Anne sa wedding gown na suot nito habang rumarampa papunta sa altar, dahil baka raw biglang mag-hello ang kanyang boobs.
Actually, hindi lang ang boobs ang inaalala niyang baka lumabas, kundi mismo ang korona ng kanyang bundok.

Sabi nga ng netizens, sobrang sweet ni Jasmine sa Ate Anne niya, na kahit hirap na hirap nga siya, okey lang sa kanya, basta maging kumportable nga ang sisteret niya.

Anyway, Mrs. Heussaff na nga ang tawag niya kay Ate Anne niya ngayon. Magkahalong lungkot at saya, dahil baka nga maging madalang na silang magsama ng ate niya ngayong bubuo na ito ng sariling pamilya.

“Always in awe of you @annecurtissmith. I don’t have many pictures with you but it doesn’t matter because I could see the happiness in your heart throughout this weekend. #theWanforAnne,” sey ni Jasmine. (DONDON SERMINO)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?