90

Nov 17, 2021 @ 15:11
By

‘Bonus ng gov’t workers, ibigay na’ – Defensor

Nanawagan si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa mga ahensya ng gobyerno na ibigay na ang yearend incentive o bonus ng kanilang mga empleyado upang maagang makapamili ang mga ito.

Sa ilalim ng Republic Act 11466, sinabi ni Defensor na bukod sa mid-year bonus, ang mahigit 1 milyong empleyado ng gobyerno ay mayroong 13th month pay na kasing halaga ng isang buwang suweldo at dagdag na P5,000 cash gift.

“They will be able to avoid crowds in malls and other shopping areas if they can plan their purchases in advance, and they can steer clear of the highly infectious novel coronavirus,” sabi ni Defensor.

Ayon sa batas, ang yearend incentive o Christmas bonus ay dapat ibigay sa buwan ng Nobyembre.

Sa Kamara de Representantes, sinabi ni Defensor na ipinag-utos ni Speaker Lord Allan Jay Velasco na ibigay na ang benepisyo ng mga empleyado ngayong linggo.

“Other agencies could give out the yearend benefits also this week or next week,” dagdag pa ni Defensor.

Dapat ay naibigay na rin umano ng Department of Budget and Management (DBM) sa mga ahensya ang pondo para sa naturang benepisyo.

Kasama sa bibigyan ng bonus ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan bagamat nakabatay ito sa kanilang pinansyal na kakayanan.

“Big and rich LGUs like Quezon City should be able to pay the full one-month salary incentive and P5,000 cash gift. They should release the benefits this month,” dagdag pa ni Defensor.

Saklaw ng pagbibigay ng bonus ang lahat ng empleyado ng gobyerno mula sa pinakamababang empleyado na tumatanggap ng Salary Grade 1 (P12,517) hanggang sa Pangulo na tumatanggap ng Salary Grade 33 (P423,723). (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?