231

Nov 8, 2017 @ 15:53
By

Bonus, cash gift ng gov’t employees, malapit na – Palasyo

Magiging masaya ang pasko ng may 1.3 milyong mga kawani at opisyal ng pamahalaan dahil maagang matatanggap ang kanilang yearend bonus at cash gift na tig-P5,000.

Sinabi ni Budget secretary Benjamin Diokno na simula sa November 16 ay matatanggap na ng mga empleyado ng gobyerno ang kanilang year-end bonus at cash gift.

Ayon kay Diokno, naglaan ang gobyerno ng P6.93 billion para sa cash gift habang P32.84 billion naman para sa yearend bonus.

“Under the 2017 budget, the DBM had allocated P32.84 billion for year-end bonuses and P6.93 billion for cash gifts,” ang pahayag ni Diokno.

Para sa mga government-owned and controlled corporations at iba pang government financial institutions, maaari silang magbigay ng bonus depende sa kakayahan ng kanilang pondo.

Maaari rin aniyang gawin ito ng Local Government Units kung inaakalang sapat ang kanilang budget para magbigay ng bonus sa kanilang mga empleyado. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?