36

Nov 30, 2020 @ 13:11
By

Bonifacio gawing inspirasyon sa pagharap sa mga pagsubok – Duterte

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanan na gawing inspirasyon ang ipinakitang pagmamahal sa bayan at pagmamahal sa kapwa Pilipino ni Gat Andres Bonifacio para malagpasan ang mga kinakaharap na pagsubok, kasama na rito ang COVID-19 pandemic.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang video message sa ika-157th anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio.

Nakiisa ang Pangulo sa pagselebra sa Bonifacio Day ngayong Lunes kung saan si Defense Secetary Delfin Lorenzana ang kumatawan sa kanya sa pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Bonifacio sa Monumento sa Caloocan City.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na dapat isabuhay ang ipinakitang tapang at sakripisyo ni Bonifacio nang labanan ang mga mananakop ng bansa.

Ang COVID-19 ang nilalabanan ngayon ng mga Pilipino ng mahigit walong buwan.

“Now, more than ever, as we overcome the challenges of COVID-19 pandemic , as we remember his life and deeds, may the values he fought for inspire us all to become worthy heirs of a just, progressive and inclusive society that he envisioned more than a century ago,” anang Pangulo.

Hnikayat ni Duterte ang mga Pilipino na maging matatag at lakasan ang loob para maharap ang mga darating pang pagsubok para sa mas matatag at magandang kinabukasan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?