131

Dec 21, 2017 @ 19:32
By

Bonggang Christmas party ng PCSO, ‘di palulusutin ni Duterte

Tiyak na hindi makakalusot kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ulat na magarbo at magastos umanong christmas party ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na kailangang ma-verify muna ang impormasyon ni Sandra Cam kung totoong gumastos ng P6 milyong ang PCSO sa kanilang christmas party kaya’t kakausapin niya ito at maging si PCSO General Manager Alexander Balutan.

Sensitibo aniya si Pangulong Duterte sa mga ganitong usapan at maikli ang pasensiya sa mga magastos na okasyon.

Sinabi ni Roque na magkikita sila ng Pangulo sa Marawi sa susunod na linggo kaya’t babanggitin niya ang nabanggit na isyu.

” I do not know if it’s six million. That’s why we will have to verify. It’s according to Sandra Cam. So we…But remember PCSO is nationwide ‘no. So we’ll have to verify. I will formally communicate with both the General Manager and Director Sandra Cam. Let me check first, okay? What the breakdown of six million is and let me confer with the President,” ang pahayag ni Roque.

Ang magarbong christmas party umano ng PCSO ay ginanap sa isang function room ng Edsa Shangrila Hotel na kayang mag-accomodate ng mnahigit isang libong tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?