57

Dec 22, 2017 @ 16:22
By

Bonggang Christmas party, handang ipaliwanag ng PCSO

Bukas ang pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para magpaliwanag kaugnay sa naganap na sinasabing ‘maluhong’ Christmas party na ginastusan umano ng P10 milyon sa isang sikat at mamahaling hotel sa Pasig City.

Ayon kay Chairman Jose Jorge Corpuz, “well-deserved” naman para sa mga PCSO employees ang pinagdausan ng Christmas party dahil lahat naman umano ay nagsikap at nagtrabaho para ma-achieve ang mataas na revenue target ngayong 2017.

“I think kailangan din naman ng ating mga empleyado ‘yung party na ganyan. Once in a year lang ‘yan. Lahat po nagtrabaho. We have to reward our people also and recognize the work of our workers,” paliwanag ni Corpuz.

Dagdag pa ni Corpus, hindi naman umano masama ang napiling venue na EDSA Shangri-la Hotel ballroom dahil kaya nitong i-accommodate ang may 1,580 empleyado ng PCSO.

“It’s a Christmas party for the whole employees of the PCSO that’s about 1,580. Hindi lang naman sa head office ‘yan. There’s no any venue that can accommodate that much na malapit sa opisina namin,” ayon pa kay Chairman Corpuz.

Handa umanong magpaliwanag ang PCSO sa isyu kaugnay sa sinasabing magarbong party na isiniwalat ni Sandra Cam, ang bagong talagang director ng ahensya, na kung saan ay nalaman na umano ng Malacañang at posibleng maisama pa sa Senate inquiry dahil sa ilang senador na rin ang umangal kaugnay sa isyu. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?