184
Bongga! Lola nagdiwang ng 100th birthday kapiling ang mga macho dancer
By

Bongga! Lola nagdiwang ng 100th birthday kapiling ang mga macho dancer

Maligayang-maligaya ang isang lola matapos makatanggap ng kakaibang regalo sa kanyang ika-100 na kaarawan.

Ayon sa report, niregaluhan si Doll Jenkins ng dalawang male strippers na nagsayaw sa harap niya.

Ang staff umano ng kanyang retirement home ang nag-hire sa macho dancers.

Sabi ni Leigha Jones, senior carer ng retirement home, hindi umano maalis ang ngiti kay Jenkins nang pumasok na ang mga macho dancer.

May pagkakataon umanong hinahawak-hawakan pa ni lola Doll ang puwet ng mga dancer.

“She loved it and she kept asking them to come back and say goodbye to her properly,” sabi ni Jones.

Si Doll ay mayroon nang anim na apo, 10 apo sa tuhod at apat na great, great grandchildren.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?