42

Feb 17, 2021 @ 15:55
By

Bongbong surebol na tatakbo sa 2022

Siguradong tatakbo si dating senador at natalong vice-presidentiable Bongbong Marcos sa susunod na eleksiyon.

Sabi pa ng kanyang abogado na si Vic Rodriguez, iaanunsiyo nila ang plano ni Marcos ‘soon.’

“He will be definitely running for 2022,” wika ni Rodriguez sa ANC, Miyerkoles.

“We will be making a formal announcement on his plans for 2022 soon,” dagdag niya.

Hindi naman tinukoy ng abogado kung aling posisyon ang gustong makamit ni Marcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?