214

By

Bongbong, pinasasagot ng PET sa apela ni VP Leni

Pinagkokomento ng Presidential Electoral Tribunal (PET) si dating Senador Bongbong Marcos sa apela ni Vice President Leni Robredo na kumukuwestiyon sa ginawang pagbasura ng PET sa kanyang hiling na bilangin bilang lehitimong boto ang 25-percent threshold na shading sa balota.

Sa En Banc Session ng Korte Suprema sa lungsod ng Baguio, binigyan ng mga mahistrado na umuupong miyembro ng PET ang kampo ni Marcos ng sampung araw para magsumite ng komento.

Ang motion for reconsideration ni Robredo ay may kinalaman pa rin sa electoral protest sa pagitan nila ni Marcos kaugnay ng laban sa pagka-bise presidente noong 2016 elections.

Iginiit ni Robredo sa kanyang apela na inalis ng Commission on Elections (COMELEC) ang 50-percent threshold o kalahating shade sa balota para bilangin bilang lehitimong boto base sa inisyu nitong Resolution Number 9164.

Aniya, ang 25-percent threshold ay ginamit na rin ng Comelec noong May 2016 national at local elections.

Nauna nang ibinasura ng PET ang kahilingang ito ni Robredo dahil wala umano itong pinagbabatayang panuntunan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?