1,009

Sep 13, 2021 @ 21:54
By

Bongbong napaiyak ni Toni

Nagpakita ng soft side si dating senador Bongbong Marcos nang pag-usapan ang kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Sa Sept. 13 vlog ni Toni Gonzaga, naitanong kay Bongbong kung ano ang huling salitang sinabi sa kanya ng ama bago ito namayapa sa Hawaii.

Ani Bongbong, nagmarka sa kanya ang huling tingin sa kanya ng ama at naiyak nang sariwain ito.

“Before he died, he opened his eyes and he just looked at me,” saad ni Bongbong na nagsimula nang maluha.

“You’re gonna make me cry… He just looked at me and he closed his eyes again and all of the alarms went off. All the machines started beeping and all the nurses came in. All the doctors came in. We were hustled out of the room and that was it.

“So there were no last words, but there was that last look that I will never forget… And look what you’re doing. People will think I’m a crybaby,” biro niya habang inaabot ni Toni ang tissue sa kanya.

“It’s a very, very sad memory. Sad and happy at the same time because at least mayroon siyang last na connection with me, with us.

“I could see he looked – he really looked and he knew who I was and he knew that perhaps he was going,” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?