183

Dec 20, 2017 @ 17:57
By

Bongbong Marcos, umapela sa PET kaugnay sa ballot images

Umapela si dating Senador Bongbong Marcos sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na baligtarin ang desisyon nito na payagan si Vice President Leni Robredo na magkaroon ng kopya ng ballot images kaugnay ng electoral protest nito.

Sa kanyang partial motion for reconsideration, sinabi ni Marcos na nakagawa ng grave error ang PET nang payagan nito na makakuha ng kopya si Robrero ng ballot images, election returns, audit logs at iba pang mahahalagang dokumento na mula sa mga decrypted sd cards.

Walang ibinigay na rason ang PET kung bakit nito pinaboran ang hirit ni Robredo na mabigyan ng soft copies ng mga balota at reports mula sa tatlong pilot provinces sa protesta na Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Iginiit ni Marcos na hindi patas at hindi makatuwiran na magkaroon ng kopya ng mga ballot images si Robredo dahil wala itong kontribusyon sa hatian sa mga bayarin at supplies.

Ang dating senador ang nagbayad para sa decryption at printing ng ballot images na nagkakahalaga ng P2.9 milyon.

Dahil dito binigyang-diin ni Marcos na dapat din na magbayad si Robredo sa decryption process.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?