337

Feb 8, 2021 @ 14:23
By

Bongbong Marcos siguradong tatakbo sa 2022

Asahan nang makita ang pangalan ni Bongbong Marcos sa balota pagsapit ng 2022 national elections.

Sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live, nilantad ni BBM na hindi siya magreretiro sa politika at paniguradong tatakbo sa eleksyon.

“Pinagmamasdan nga natin what is going on, kung sinong tatakbo, sinong hindi tatakbo, anong lineup, maaga pa eh,” lahad ni BBM.

“Magiging kandidato pa rin ako. Hindi ako magre-retire sa public life… Ang habol ko talaga kung ano ang aking magagawa para makatulong,” aniya pa.

“I will be a candidate for next year’s election.”

Ngunit sa ngayon ay hindi pa tiyak ng dating 2016 vice presidentiable kung anong posisyon ang kanyang posibleng takbuhan sa 2022.

Nag-react din si BBM matapos siyang pumwesto sa ikalawang spot sa presidential poll mula sa survey ng PulseAsia.

“Nakakatuwa at nagpapasalamat ako sa lahat ng sumusuporta sa’kin. I was very surprised kasi first of all hindi ko expected na magkakaroon ng survey,” ayon sa dating mambabatas.

“Siguro naman kahit papaano, matalino ang mga Pilipino na eh hindi mo na mabobola ng ganun-ganun lang kaya tinitingnan talaga nila lahat ng katangian o kakulangan ng bawat kandidato.”

Sa naturang poll, ikalawa si Bongbong kay Davao City Mayor Sara Duterte, na dati nang giniit na hindi siya tatakbo sa pagka-Presidente sa susunod na eleksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?