146

Jan 2, 2018 @ 15:30

Bongbong Marcos, pumalag sa ill-gotten wealth deal

Pinabulaanan ng pamilya Marcos ang alegasyon na sangkot sa isang kasunduan kung saan ibabalik ang umano’y ill-gotten wealth kapalit ng pagbabasura ng mga kaso laban sa kanilang pamilya.

Ayon kay dating senador Bongbong Marcos, walang alam ang kanilang pamilya sa lumabas na dokumento sa social media kung saan may lagda ni Atty. Oliver Lozano para kumatawan sa pamilya Marcos at tinanggap naman ng opisina ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Batay sa dokumentong ipinadala umano ni Lozano kay Panelo, maaaring gamitin ang mga sequestered asset ng pamilya Marcos para sa malawakang rehabilitasyon ng gobyerno at magamit pambayad sa panlabas at panloob na utang ng pamahalaan kapalit ng immunity from suit o paglibre sa lahat ng kaso ng mga Marcos.

“As a point of information, Atty. Oliver Lozano does not represent any member of the Marcos family or the estate of the late President Ferdinand Marcos,” sabi ni Bongbong sa isang pahayag.

Abogado si Lozano ni noo’y President Ferdinand Marcos Sr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?