107

Oct 5, 2021 @ 15:46
By

Bongbong Marcos makikigulo sa presidential race

Inihayag ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sasali siya sa laban sa pagka-pangulo sa 2022 elections.

Ginawa ni Marcos ang pahayag sa Facebook video sa araw ding nanumpa siya bilang miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na kaalyado ng Duterte administration.

“I am announcing my intention to run for the presidency of the Philippines in the upcoming 2022 elections,” sabi ni Marcos.

“I will bring back unifying form of leadership in the country,” dagdag pa nito.

Una rito, inendorso ng PFP si Marcos bilang kandidato sa pagka-presidente noong Setyembre 21, ang anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ng kanyang ama, ang yumaong diktador Ferdinand Marcos.

Nauna nang sinabi ni Marcos noong Agosto na tatakbo siya sa pagka-pangulo kung makakakuha siya ng sapat na suporta.

Natalo si Marcos sa vice presidential race noong 2016 kay dating Camarines Sur Representative Leni Robredo.

Naghain si Marcos ng protesta sa kanyang pagkatalo subalit pinaboran ng Korte Suprema si Robredo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?