722

Aug 3, 2021 @ 11:14
By

Bongbong Marcos ayaw ka-tandem si Mayor Sara, target maging pangulo sa 2022

Ayaw umano ni Bongbong Marcos na maka-tandem si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio sa darating na halalan 2022 dahil tatakbo siya bilang presidente.

Anang isang source sa Politiko, target ni BBM tumakbo sa pagkapresidente at hindi sa vice presidency.

Kamakailan lang nang mapabalitang nililigawan umano ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang dating senador para maging ka-tandem ni Duterte bilang VP.

Bukod dito, naispatan din noong Hunyo ang dating pangulo na tila nakikipag-lunch date kela BBM at Imee Marcos kasama ang kanyang anak na si Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo.

Ayon pa sa source, ilan sa mga negosyanteng “pro-Moreno” sa pagkapangulo ay kumalas na rin at lumipat sa Team Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?