292

Sep 24, 2021 @ 16:11

Bongbong for president kinuyog

Humakot ng negatibong reaksyon ang pag-endorso ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) kay dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang presidential candidate nila sa 2022 elections.

Saad ng ilang netizen, baka ilampasong muli ni Vice President Leni Robredo si Marcos at maghabol uli sa recount ang huli.

Matatandaang nagkasa ng election protest si Marcos laban kay Robredo nang matalo sa huli sa pagka-bise presidente noong 2016 elections.

Ang ibang netizen naman ay hindi pa nalilimutan ang dusang naranasan nang ipatupad ang Martial Law ng ama ni Bongbong na si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., kaya hindi sila aprub na maging pangulo ang isa pang Marcos.

Narito ang ilang reaksyon ng netizens:

Edwin Castaneda: “Nako pag natalo to milyun milyun nman sasayangin sa recounting…”

Marnicks dela Pena: “Sobrang naghirap ang mga tao, bigas na mais ang kinakain namin kc tinatago nila ang tunay na bigas, kung makabili man kami may uod at mabaho. Ayaw mo lang intindihin ang tunay at tamang pangyayari, dahil hindi mo naranasan. Sobrang nag hirap ang mga tao nung martial law, di ka pwd magreklamo kc ipapapatay ka. Hindi magkakaroon ng Edsa Rebulosyon kung maganda palakad ni marcos! NEVER AGAIN TO MARCOS!!!!”

Mirasol MD Mira: “Katakot takot na protista na nman yan kapag natalo.. Limitado Lang nman bumuboto Dyan.. Hindi sapat para maging pangulo.”

M.B. Aguilar: “Wag tau matinag jan!!! Ilalampaso ulit yan ni LENI ROBREDO..”

Dany Belen: “Tuta rin ng China yan! Ingat kayo dyan!”

Malou Robles: “Sa dami ng pinahirapan, na-torture, pinakulong, pinapatay ni dating DIKTADOR na si marcos MARAMI talaga sa kamag-anakan nila ang nagdarasal para hindi sya iboto. tanging mga BOBOtante na lang ang naniniwala sa kanila!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?