45

Oct 6, 2021 @ 16:42
By

‘Bongbong-Bong’ tandem sa 2022 ‘pwede’ – Marcos

Wala pang running mate si presidential aspirant at dating Senador Bongbong Marcos noong siya ay maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) ngayong Miyerkoles.

Ngunit binuking niya na ang orihinal na plano niya ay gawing running mate si Pangulong Rodrigo Duterte na ninomina ng PDP-Laban Cusi faction na maging vice presidential candidate.

“I’ll be very candid with you. The reason for that is, the original plan was for us to adopt PRRD for our vice president candidate,” pahayag ni Marcos.

Noong Sabado, ginulantang ni Duterte ang publiko ng mag-anunsyo ito ng pagreretiro sa politika habang si Senador Bong Go ang tumanggap ng hamon ng PDP-Laban para maging kandidato sa pagkabise presidente.

Kaya’t hindi sinasara ni Marcos ang posibilidad na magkaroon ng ‘Bongbong-Bong’ tandem.

“Paano ‘yun? Bongbong-Bong? Bong to the third power? Baka pwede din, we’ll see,” wika ng dating senador.

Bukod dito, sinabi rin ni Marcos na hindi na matutuloy ang tandem nila ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio dahil naghain na ito ng COC para tumakbo uling alkalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?